Paano Gamitin ang XRP Para sa Mas Mabilis na Crypto Remittance Transfer

Translated by Arzen Ong from Using XRP to Avoid Crypto Transaction Fees Between Exchanges & Wallets published on July 23, 2019

Inupdate noong Oktubre 05,2021. Maari mo ring gamitin ang XRP method na ito sa pag cash out ng iyong SLP.

Hulyo 23, 2019 – Dito sa Pilipinas, maraming paraan para makabili ng Bitcoin gamit ang ating fiat currency na peso (Php). Ang pangunahing paraan na madalas nating ginagamit ay ang pagdaan sa mga international exchanges para sa pagbili ng Bitcoin o iba pang cryptocurrency na madalas ay hindi available sa ating mga lokal na exchanges gaya ng Coins.ph.

Marami din sa atin ang ayaw iwan ang ating mga crypto sa wallet ng exchanges na ating ginagamit. Mas gusto nating ilipat ang mga crypto natin sa mga personal o physical na wallets. Ang problema dito ay nangangailangan ng ‘transaction fee’ kapag tayo ay naglipat ng ating bitcoin mula sa isang wallet papunta sa isa pa. Dito kinukuha ng mga ‘miners’ ang kanilang processing fee para sa kanilang serbisyo sa Bitcoin network.

Maliban dito, marami din ang users ang umaalma sa taas ng conversion rate ng mga peer-to-peer transactions sa paglipat ng crypto kung ikukumpara sa pag cach out via P2P.

Totoo na hindi naman laging mataas ang fees, nakadepende padin dito kung gaano kabilis matatapos ang iyong transaksyon, kadalasan itong nasa pagitan ng 10 minuto o isang oras. Naniniwala ang mga eksperto na isa itong sa sagabal upang magamit ang Bitcoin bilang ‘medium of exchange.’ Ang magandang balita ay patuloy ang pagdevelop ng mga improvements para masolusyunan ang problemang ito. Ngunit habang hindi pa natatapos ang mga improvements na ito, narito ang isang paraan kung paano mo mababawasan ang mataas na transaction fees.

At ito ay sa paggamit ng XRP.

XRP

Ang XRP ay isang token na ginagamit upang mag transfer ng value gamit ang Ripple Network. Ang Ripple ay isang network na dinisenyo para sa mabilis na pag transfer ng pera sa buong mundo. Bago natin talakayin ng buo ang Ripple, nais muna namin ipaalam sa inyo na ang transaction fee para sa Ripple ay 0.00001 XRP lamang. 

Noong personal kong sinubukan na mag transfer ng XRP mula Binance papuntang Coins.ph, inabot ang transaction fee ko ng 0.25 XRP. Ang palitan noon ay 1 XRP para sa 16 Php. Kaya ang total na fees ko ay nasa Php 4 lamang. 

Ang XRP Method

4

Ang layunin natin ay ang makapag lipat ng Bitcoins, USDT, o iba pang cryptocurrency papuntang Coins.ph, kung saan atin itong iko-convert sa ating fiat currency (Php). Narito muna ang aming paalala bago tayo mag simula .

Ang layunin ng artikulong ito ay makapagbigay lamang ng impormasyon at hindi upang magsilbing ‘financial advice’ o rekomendasyon ng mga produktong mababangit. Ang Cryptocurrency ay high volatile market at dapat maging mapanuri ang mga gumagamit nito at ugaliing mag research muna bago ito pasukin.

Paano maglipat o transfer mula sa iyong crypto exchanges papuntang Coins.ph habang iniiwasan ang Bitcoin transaction fees.

I-convert ang iyong crypto sa XRP.

May mga crypto exchanges na maaaring walang trading pair para sa XRP. Sa mga ganitong sitwasyon, i-convert mo muna ang iyong crypto sa USDT bago mo ito i-convert sa XRP.

Buksan ang iyong Coins.ph na account. Kunin ang iyong XRP address tag.

Ang Tag ay ang iyong ‘unique identifier’ para sa iyong XRP account. LAGI MO ITONG TANDAAN.

Ipadala ang XRP mula sa iyong exchanges papunta sa iyong Coins.ph XRP account. (Ilalagay mo dito ang iyong tag.)Ngayon na nasa Coins.ph account mo na ang iyong XRP, i-convert mo na ito sa PHP (o pwede din sa Bitcoin).Sundan ang mga steps dito upang makapag cash out sa LBC. (Maari ka ding mag cash out sa ibang paraan subalit gagamitin muna natin ang LBC para sa halimbawang ito.)Maaari ka din na  magtransfer mula sa iyong Coins.ph account papunta sa iyong GCash.

Bakit kailangan na gumamit ng XRP kapag magta-transfer mula sa exchanges papuntang crypto wallet.

Dahil ito ay mas mabilis at mas mura. Mayroon ding mga remittance outlets na gumagamit ng Ripple at XRP sa buong bansa. 

May downside ba ang paggamit ng XRP?

Gaya ng ibang crypto tokens, ang XRP ay volatile din. Dagdag pa dito, hati ang opinyon ng mga crypto users sa mundo kung ang XRP nga ba ay isang cryptocurrency o hindi.

Sa usapin ng ‘volatility’, sinabi ni Ripple Senior Vice President of Global Operations na si Eric van Miltenburg na, dahil sobrang bilis matapos ng mga transactions sa Ripple, sobrang baba lamang ng volatility sa pagitan ng pag convert nito hanggang sa matangap ito ng end-user. Ayon sa kanya ay mas mataas pa ang volatility ng pag transfer sa pagitan ng PHP papuntang USD kung ikukumpara sa XRP.

Sa usapin naman tungkol sa pagiging cryptocurrency ng XRP, mas mahalaga ang mag-focus tayo sa kakayahan nitong makapagbigay ng mabilis at murang transaksyon imbes na usisain pa kung paano ito itrato ng ibang crypto exchanges. Isa ito sa pinakamagandang paraan ng pag transfer ng value upang agad natin itong maconvert sa fiat.

Ang artikulo na ito ay nailathala sa BitPinas: Paano Gamitin ang XRP Para sa Mas Mabilis na Crypto Remittance Transfer

The post Paano Gamitin ang XRP Para sa Mas Mabilis na Crypto Remittance Transfer appeared first on BitPinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *